Unlad Institusyon, Unlad!
PAARALAN:
Silid Ko, Linis Mo
Ang
Oplan: Silid Ko, Linis mo ay para sa mga kabataan lalung-lalo na sa
elementarya. May halintulad ito sa tinatawag nating Brigada Eskwela ngunit ang
proyektong ito ay Malawakang pagsasaayos at paglilinis tulad ng paggawa ng mga
sirang armchair at pagkakaroon ng pintura sa mga silid-aralang nababaklas na
ang pintura.
Layunin
ng proyektong ito ang paglilinis at pagsasaayos ng mga silid-aralan upang mayroong
mgamit ang mga mag-aaral kung saan sila ay nakapag-aaral ng komportable at malinis
ang nakikita.
Walang
pinipiling taong sangkot dito dahail halos lahat mapa-bata man o mapa-tanda ay
pwedeng tumulong basta ito ay mula sa puso at bukal sa kalooban.
Nais
naming itong ipatupad isang beses sa isang buwan upang lalo pang mapanatili ang
kaayusan at kalinisan ng bawat silid-aralan sa paaralan. Titser ang mamamahala
dito.
Ang
ikinalabasan naman ng proyektong ito ay maganda dahil mas naging kaaya-aya
itong pag-aralan at limitado na ang kaso ng mga sakit na nakukuha sa
maruruyming paligid tulad ng malaria at dengue.
Naging
matiwasay ang paaralan at mas naging maganda ito sa paningin ng tao. marami
ring estudyante ang ginanahan ng pumasok dahil sa pagbabago na ipinakita ng
iskul o paaralan.
Nalaman
naming na ang kalinisan ng paaralan ay mahalaga sapagkat ito ang magiging daan
natin sa katagumpayan kungkaya’t dapat mapanatili natin itong maayos, malinis,
kaaya-ayang pag-aralan.
SIMBAHAN:
Bible Class
Ang Oplan: Bible Class ay para sa
mga kabataang nangagailangan ng kalinga at gabay sa pamamagitan ng pakikinig sa
salita ng Diyos. Gagawin naming ito tuwing Linggo kung saan ay hindi na nagawa
pang umabot sa misa o kaya ay hindi pumunta dahil sa iba’t-ibang rason. May mga
kukunin kaming Volunteers mula sa simbahan na gustong magturo sa mga ito.
Layunin nito na mapalaganap ang
mabuting-asal at mamuhay sa maayos na paraan. Nais rin nitong proyekto na
maipakita ang kahalagahan ng pananampalataya di lamang sa tahanan kundi sa
buong pamayanan.
Bible teacher, maaaring hindi pastor
o pari ngunit lisensyado o may lkakayahan, na magtuturo sa mga taong nais na makinig
sa mga salita ng Diyos at syempre kalinga ng pari upang mas malaman ang totoong
salita ng Diyos.
Tatagal
ang pagtuturo ng salita ng Diyos sa 30-45 minutes upang mas mapagnilayan pa ang
ibigsabihin ng nais iparating ng bibiliya ng mas maigi. At magaganap ito ng 3
beses isang linggo depende sa oras o skedyul ng misa.
Naging
handa na ang pamayanan o simbahan sa maaaring maging isyu tungkol sa
pananampalataya. At wala nang tao ang maaaring makapagbigay ng dahilan kung
bakit hindi sila nakadalo o hindi nila naunawaan ang salita ng Diyos
Maraming
tao ang matutulungan nito. hindi lang kabataan ngunit pati ang nagtatrabaho na.
mas magiging aware sila sa dapat at hindi dapat gawin.
Malaki
ang naidudulot ng pananampalataya sa ating buhay. Ito ang nagiging daan para
matutong makipagkapwa ng ayos at lahat ng magagandang-asal, kung kaya’t dapat
natin itong linangin at pagyamanin. sa pamagitan ng proyektong aming itinatag,
ay maisasakatuparan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos
PAMILYA:
Monthly Family Feast
Ang Oplan: Monthly Family Feast ay
isa sa mga proyektong nais naming magkaroon sa pamayanan. ito ay ang
pagsasagawa ng pamahalaan sa barangay ng isang malaking salu-salo na kung saan
ay ang bawat miyembro ng pamilya ay dadalo upang kumain ng sabay-sabay at
makihalubilo sa bawat isang kasapi nito.
Layunin nito na mapatatag ang
samahan o bond ng isang pamilya sa pamamagitan ng pagkain at pagbobonding ng
sabay-sabay at kumpleto. Nais din nito na ang bawat pamilya sa pamayanan ay
magkakakilala ng sa gayon ay magturingan din sila bilang isang buong pamilya.
Nanay, Tatay , Mga anak,kaibigan at
kapit-bahay ay ang mga sangkot dito. dahil sa kanila umiikot ang pamilya.. Para
rin sa bawat pamilya na naninirahan sa iisang komunidad ang ibigsabihin ng
proyektong ito.
Idaraos ang tinatawag nating Monthly
Family Feast isang beses sa isang buwan. Ito ay tumatagal ng 2 oras o mahigit
para may oras sa pamilya ang bawat isa at sa mga kapit-bahay nila.
Nabigyang sulosyan na ang usapin ng
paglalayo ng loob ng anak sa kanilang magulang. Nabibigyan din ng sapat na
panahon ang pamilya na magbahagian ng kanilang mga karanasan, problema, at saloobin.
At hindi lamang puro kaibigan ang nabibigyan pansin ng bawat isa kundi ang
mismong pinanggalingan nila.
Naging matatag ang samahan ng bawat
isa sa pamilya at naging mas bukas ang isip nila pati ang saloobin sa isa’t-isa
at natutunan nilang malaman ang kani-kanilang responsibilidad sa kanilang
pamilya bilang anak o magulang.
Ang pamilya ay ang pinakamaliit
ngunit pinakamahalagang yunit ng ating lipunan kung kaya’t kapag ito’y hindi
nabigyang pansin, maaapektuhan ng malaki ang ating lipunan. Mahalaga rin na
magkaroon ng komunikasyon dito para kung sakaling limitado ang oras ng
pagkikita, hindi malalayo ang loob sa isa’t isa at nalalaman natin ang
nangyayari o pagbabagong nagaganap sa bawat miyembro nito.
No comments:
Post a Comment