Thursday, September 10, 2015

Kapamilya, kapuso, kapatid chart


- John Vincent Ediza- 5points
-Hiroyuki Dela Pena- 5points

-Clarence Martinez- 5points
-Dallas Valderama- 5points


-Ma. Sofia Marasigan- 5points





Artikulo 27- Andre and Alhex


Monday, August 17, 2015

15 Rules for Peeing

Napag-usapan namin ng Nanay ko ang isang artikulo ni Beth Woolsey na pinamagatang "15 Rules for Peeing." Naging masaya ang aming dayalogo.
     
(Naalala ni Nanay yung mga panahong umiihi pa ako sa kama.)

Ilang mga tanong:
1. Ano ang nararamdaman mo habang nakkipagkwentuhan sa magulang?

  • Bilang isang dalaga at hayskul student, medyo naiilang ako noong ikinukwento saakin ng nanay ko kung paano ako umihi sa kama dati at kada anong oras.
2. Sang ayon ka ba dito? bakit?
  • Sang-ayon ako sa konteksto dahil kailangan maturuan ang isnag bata kung paano umakto/umihi ng maayos. May pagka-istrikta nga lang ang persona, dahil pinipigilan nito ang pagiging "curious" ng bata.
3.Ano ang nais mong sabihin sa magulang mo tungkol dito?



  • Nais ko sanang tanungin ang Nanay ko kung nagamit niya ba itong 15 rules for Peeing saming magkakapatid o nagkaroon ba ng ganitong mga patakaran noong kami'y mga chikiting pa lamang.
4. Itala ang 3 Utos ng Magulang habang nakikipag-kuwentuhan.

Unang Utos: Huwag nang iutos sa iba kung kaya naman gawin. Kahit bata pa lamang kami, isa itong aral na itinanim na ng aming mga magulang saaming mga isipan. Ayaw nilang kami'y pala-asa sa iba.

Ikalawang Utos: Matutong magkusa. Ayaw ng aming magulang na pinupukpok pa kami bago kumilos.

Ikatlong Utos: Kung gagawa na rin lang, ayusin na ito. Ayaw nila Mama at Papa ng bara-barang gawin dahil pag-aaksaya lamang iyon ng lakas at oras.




--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hiro Yuki Dela Pena

(Nasa kwaderno ang mga kasagutan.)





Wednesday, June 10, 2015

Unlad Institusyon, Unlad!

PAARALAN: Silid Ko, Linis Mo

Ang Oplan: Silid Ko, Linis mo ay para sa mga kabataan lalung-lalo na sa elementarya. May halintulad ito sa tinatawag nating Brigada Eskwela ngunit ang proyektong ito ay Malawakang pagsasaayos at paglilinis tulad ng paggawa ng mga sirang armchair at pagkakaroon ng pintura sa mga silid-aralang nababaklas na ang pintura.

Layunin ng proyektong ito ang paglilinis at pagsasaayos ng mga silid-aralan upang mayroong mgamit ang mga mag-aaral kung saan sila ay nakapag-aaral ng komportable at malinis ang nakikita.

Walang pinipiling taong sangkot dito dahail halos lahat mapa-bata man o mapa-tanda ay pwedeng tumulong basta ito ay mula sa puso at bukal sa kalooban.

Nais naming itong ipatupad isang beses sa isang buwan upang lalo pang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng bawat silid-aralan sa paaralan. Titser ang mamamahala dito.

Ang ikinalabasan naman ng proyektong ito ay maganda dahil mas naging kaaya-aya itong pag-aralan at limitado na ang kaso ng mga sakit na nakukuha sa maruruyming paligid tulad ng malaria at dengue.

Naging matiwasay ang paaralan at mas naging maganda ito sa paningin ng tao. marami ring estudyante ang ginanahan ng pumasok dahil sa pagbabago na ipinakita ng iskul o paaralan.

Nalaman naming na ang kalinisan ng paaralan ay mahalaga sapagkat ito ang magiging daan natin sa katagumpayan kungkaya’t dapat mapanatili natin itong maayos, malinis, kaaya-ayang pag-aralan.

SIMBAHAN: Bible Class

            Ang Oplan: Bible Class ay para sa mga kabataang nangagailangan ng kalinga at gabay sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Diyos. Gagawin naming ito tuwing Linggo kung saan ay hindi na nagawa pang umabot sa misa o kaya ay hindi pumunta dahil sa iba’t-ibang rason. May mga kukunin kaming Volunteers mula sa simbahan na gustong magturo sa mga ito.

            Layunin nito na mapalaganap ang mabuting-asal at mamuhay sa maayos na paraan. Nais rin nitong proyekto na maipakita ang kahalagahan ng pananampalataya di lamang sa tahanan kundi sa buong pamayanan.

            Bible teacher, maaaring hindi pastor o pari ngunit lisensyado o may lkakayahan, na magtuturo sa mga taong nais na makinig sa mga salita ng Diyos at syempre kalinga ng pari upang mas malaman ang totoong salita ng Diyos.
Tatagal ang pagtuturo ng salita ng Diyos sa 30-45 minutes upang mas mapagnilayan pa ang ibigsabihin ng nais iparating ng bibiliya ng mas maigi. At magaganap ito ng 3 beses isang linggo depende sa oras o skedyul ng misa.

Naging handa na ang pamayanan o simbahan sa maaaring maging isyu tungkol sa pananampalataya. At wala nang tao ang maaaring makapagbigay ng dahilan kung bakit hindi sila nakadalo o hindi nila naunawaan ang salita ng Diyos

Maraming tao ang matutulungan nito. hindi lang kabataan ngunit pati ang nagtatrabaho na. mas magiging aware sila sa dapat at hindi dapat gawin.

Malaki ang naidudulot ng pananampalataya sa ating buhay. Ito ang nagiging daan para matutong makipagkapwa ng ayos at lahat ng magagandang-asal, kung kaya’t dapat natin itong linangin at pagyamanin. sa pamagitan ng proyektong aming itinatag, ay maisasakatuparan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos


PAMILYA: Monthly Family Feast

            Ang Oplan: Monthly Family Feast ay isa sa mga proyektong nais naming magkaroon sa pamayanan. ito ay ang pagsasagawa ng pamahalaan sa barangay ng isang malaking salu-salo na kung saan ay ang bawat miyembro ng pamilya ay dadalo upang kumain ng sabay-sabay at makihalubilo sa bawat isang kasapi nito.

            Layunin nito na mapatatag ang samahan o bond ng isang pamilya sa pamamagitan ng pagkain at pagbobonding ng sabay-sabay at kumpleto. Nais din nito na ang bawat pamilya sa pamayanan ay magkakakilala ng sa gayon ay magturingan din sila bilang isang buong pamilya.

            Nanay, Tatay , Mga anak,kaibigan at kapit-bahay ay ang mga sangkot dito. dahil sa kanila umiikot ang pamilya.. Para rin sa bawat pamilya na naninirahan sa iisang komunidad ang ibigsabihin ng proyektong ito.

            Idaraos ang tinatawag nating Monthly Family Feast isang beses sa isang buwan. Ito ay tumatagal ng 2 oras o mahigit para may oras sa pamilya ang bawat isa at sa mga kapit-bahay nila.

            Nabigyang sulosyan na ang usapin ng paglalayo ng loob ng anak sa kanilang magulang. Nabibigyan din ng sapat na panahon ang pamilya na magbahagian ng kanilang mga karanasan, problema, at saloobin. At hindi lamang puro kaibigan ang nabibigyan pansin ng bawat isa kundi ang mismong pinanggalingan nila.

            Naging matatag ang samahan ng bawat isa sa pamilya at naging mas bukas ang isip nila pati ang saloobin sa isa’t-isa at natutunan nilang malaman ang kani-kanilang responsibilidad sa kanilang pamilya bilang anak o magulang.

            Ang pamilya ay ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit ng ating lipunan kung kaya’t kapag ito’y hindi nabigyang pansin, maaapektuhan ng malaki ang ating lipunan. Mahalaga rin na magkaroon ng komunikasyon dito para kung sakaling limitado ang oras ng pagkikita, hindi malalayo ang loob sa isa’t isa at nalalaman natin ang nangyayari o pagbabagong nagaganap sa bawat miyembro nito.